Monday, March 03, 2003

Film Review: "Ako Pala Si Amelie"

"Isang Kritikal na Papel sa Pelikulang Amelie"
Special Film Screening University Of The Philippines Film Center
Humanidades II Propesor Nelson Turgo 
Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Q.C.Marso 03, 2003 4:00 PM

Naalala ko kamakailan lang, noong nililigawan pa ako ng boypren ko, sinabi niya sakin na ako daw si Amelie sa totoong buhay kaya daw niya ako gusto (dahil siya naman daw ang lalaking bersyon ni Amelie sa totoong buhay) Eh. Hindi ko pa napapanood ang Amelie noon, naririnig- rinig ko pa lang na maganda nga daw ang pelikulang iyon, pero dahil sinabi ni Zoltan (ang aking pankistang boypren) na-curious tuloy ako at naengganyong mapanood itong French Art Film na ito.


Ang alam ko naman sa pelikulang ito, sobrang romantic daw at simple lang. May subtitles para romantic effect ang feel. Pero ang tanong ko talaga sa aking sarili noon ay; "Sino ba itong si Amelie Poulin at bakit sinabi ni Zoltan na ako daw si Amelie sa totoong buhay?"
Kaya nang malaman ko na magkakaroon ng film showing sa UPFC ng pelikulang Amelie agad ko na talaga plinanong manonood nito. Kahit hindi ito sinabi ng aking guro, manonood na talaga ako nito upang masagot lang ang aking mga tanong sa akin isip. Laking gulat ko nang nanood na kami ng boypren sa UPFC ng Amelie na isa palang weirdo, loner a autistic! Gago yun ah... weird ba ako? Hindi naman ah. Siyempre hindi ko papalagpasin ang ang-iinsulto na sinasabi lang niya sa akin, "Panoorin muna natin LAHAT, bago mo ako awayin." O sige sapul ako dun ah, Eh di manood.


Kawawa naman pala itong si Amelie, parang ang lunkot ng buhay niya, Nagkaroon siya ng sakit noong siya ay bata at dahil dito, hindi siya maari makisalamuha at makipaglaro sa mga bata. Namatay ang kanyang ina sa kanyang murang edad. At sa kanyang pagtanda, nabuhay siya mag-isa na wala gaanong kasiyahan... nakakabato kung ako ang tatanungin. 

Habang tumatagal, medyo nakikinita-kinita ko na kung bakit sinabi ni Zoltan sa akin yun. Si Amelie kasi, sobrang matulungin. Kahit hindi naman humihingi ng tulong sa kanya, siya na mismo ang gumagawa, para lamang makapagpasaya siya ng mga tao. Kahit sa maliliit lamang na bagay, kahit hindi pa nila malaman. Wala lang trip lang niya talaga. At si Amelie , mapagmasid... observant baga. Natural na lang siguro iyon sa kanya dahil kinasanayan niya na maging mapag-isa bata pa lang siya. kaya tuloy kahit mga walang kwentang bagay naaaliw siya... yung tipong malagay niya ang kanyang kamay sa sako ng mga mani, mabilang niya kung ilan ang nagkaka-orgasm sa isang gabi... ganun ka weird! Ang tulad ni Amelie, sobrang pag-iisip ko sa ibang tao kadalasan nauubusan na kung papaano ko papasayahin ang aking sarili. Kadalasan mag-isa ako at pamuni-muni na lang at nag-i-imagine na lang ng kung anu-ano, Minsan nga naiisip ko baka disillusioned na ako eh... dahil din siguro sa sobrang lonely ko kung anu-ano na lang ang aking iniisip. Tulad ni Amelie.

At tulad ni Amelie,nagbunga rin sa huli ang kanyang kabutihan. Dati akala ko hanggang pangarap na lang ako sa pangangarir. Kung anu-ano pa ang iniisip ko na kesyo "Panget ba ako?!" Sobrang nawawalan na ako ng pag-asa kung makakakitapa ako ng tao makakakita ng mga kagandahan na nakikita ko sa mundo. Ayun, Katulad din ni Amelie, nakahanap din ako... ng isa pang Amelie sa mundo, ang aking pankistang boypren. Oo, Sige na nga weirdo na ako kung weirdo Pero astig ako! Astig kami ni Amelie!! Hehe. Nakakarelate ako sa kanya talaga pramis! At nakakatuwang malaman na hindi lang pala ako ang nag-iisang ganito sa mundo. At least kahit anong pa ang sabihin ng iba, iba ang ikot ng mundo  sa akin. Mabilis lang at madaming nangyayari. 

Paglalahad:

Dahil na rin siguro sa personal kong mga kadahilanan masasabi ko na ito ay isa sa pinakamagandang pelikulang napanood ko. Simple lang pero direkta sa punto. Maganda ang pagkaka-palabas ng pelikula bilang isang mala-fairy tale na documentary. Para nga siyang Ally McBeal na pinabata, pinaganda at pinatira sa pransya. Mahusay. Nakakatulong itong maging klaro at nakakaaliw para sa mga manonood nito sa buong mundo hindi lamang sa mga Pranses na manonood. Kahiy na ang peysing ng pelikula. Maganda at napakasimple lamang ng pelikulang ito na siya naman ding nakapagpaganda dito.
Kung lahat tayo sa mundo ay katulad ni Amelie, siguro masaya na tayong lahat. Lahat nga lang tayo magiging weird pero ayos lang. Payak at simple lang ang buhay , Nasasatin na kung nanaisin nating simple ito o komplikado. Pero kung ako ang tatanungin, sana lahat na lang ay payak, yung tipong hindi natin binabase ang ating kaligayahan sa mga material na bagay... hindi tayo nagpapalamon sa mga pressures ng mundo lalu na sa lrir at pera. Masmagiging madali ang buhay kung magsisimula tayo sa mga maliliit na bagay.
14 Marso 2003


1 comment:

  1. This is your first post ever here back in 2013, which is 12 years ago... Amazing.

    ReplyDelete

❤ Thanks for your comments! Sorry, I don't publish ANONYMOUS comments!❤