Sunday, March 23, 2003

Film Review: "Ang Pagbabalik ng Roaring Twenties! Ang Glamor sa Chicago!"

"Isang Kritikal na Papel sa Pelikulang Chicag0 75th Academy Awards Best Picture: Musical Drama & Comedy"Humanidades II Propesor Nelson Turgo 
Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Q.C.Marso 23, 2003

Gusto ko talagang mapanood ang pelikulang "Chicago" dahil sa dalawang kadahilanan: Una, dahil mahilig talaga ako sa mga musicals, mahilig akong makasali sa isang musical. Una kong nakita ang "Chicago" sa London nang ako'y nakapunta doon. Ngunit hindi ko ito napapanood dahil masgusto ng aking ina na mapanood ang "Les Miserables". Nagbabakasakaling mapapanood namin si Lea Salongga. Sayang hindi ko talaga napanood, mahal kasi eh kung papanoorin din namin yun, Pangalawa ay dahil ang pinakapaborito ko talagang era ng 1920's. The Roaring Twenties" ika nga. At maliban sa mga black and white na pelikula ni Charlie Chaplin, kakaunti lang ang mga pelikulang napapanahon sa 1920's. Gusto-gusto ko ang mga kadamitan at mga aksesorya na suot ng mga kababaihan noong panahon a iyon. Ibang klase kasi ito para sa akin, glamour ng panahon na ito. 


Ayun ang dalawang rason ko kaya ko gustong mapanood ang pelikulang ito. At hindi ko pinalipas ang pagkakataon na mapanood ito. 

Masasabi ko na di ako nagsisisi sa panonood nito. Ang ganda grabe! Ika nga ni Steve Martin noong Academy Awards noong Marso 24, "Chicago is the film which everyone likes!" Totoo nga. 

Ang pelikulang ito ay base sa totoong buhay ng isang murder trial na pinagbasihan din ng isa pang pelikulang pinamagatang "Cabaret's" Pinalabas ang "Chicago" bilang isang dula sa Broadway noong 1970's. At sa inaasahan, naging mabenta ito sa mga manonood. Hanggang ngayon, mukhang mabenta pa rin ang istoryang ito sa mga manonood. 

Ang istorya ay tunkol sa isang laos na chorus girl na nagngangalang Roxie Hart (Renee Zellweger) na niloko ng kanyang kalaguyo. Pinaniwala siya na magiging tutulungan siya nito sa karir niya bilang isang Jazz Singer na isang glamorosong karir noong panahon ng 1920's. Dahil sa kanyang kagustuhan maging isang bituin, nagpaloko naman siya. 

At nang Nalaman niya na naloko siya ng lalaki, pinatay niya ito. At nang siya ay nakakulong, doon niya nakilala ang sikat na sikat na Jazz Singer na si Velma Kelly (Catherine Zeta Jones) na siya din namang pumatay sa kanyang asawa. Nagpatalbugan ang dalawang nagkasala sa kontrobersya sa tulong ni Billy Flynn (Richard Gere), isang magaling na gamahang abogado, na kinuha ng dalawang nasasakdal. At dito umikot ang kwento ng pelikula. 



Maganda ang kwento ng pelikula para sa akin. Naipakita nito ang "Glitz&Glamour" ng pagiging isang sikat na bituin habang isinisiwalat nito ang baho sa likod ng entablado. Ang mga panloloko nit sa mga manonood, mga pagbababalatkayo ng nagmimistulang makikintab na mga bituin at mga scripted at planadong queues. 

Marami din akong nakita mga sakit ng lipunan na naipakita ng lipunan na naipakita sa pelikula. Sadya man ilang Ipinakita ito o hindi, nakita ko ito sa mga pangyayari sa pelikula. Una dito ay hindi pantay na pagtrato sa mga babae noong unang panahon. Ang mga double standards at mga pang-aabuso ng mga lalaki sa kanilang asawa. Naipakita ito sa musical number na pinamagatang "Cell Block Tango". Hanggang ngayon, hindi natin mapagkakaila na marami pa rin ang ganyan, ang naabuso ng kanilang mga asawa. 

Pangalawa ay ang pananaig ng pera sa katarungan ng hustisya. Naipakita ito sa paghawak ni Billy Flynn sa kanyang mga kaso, kung may pera ka mapapanalo niya ang kaso mo, maging guilty ka man o not-guilty. Para mo na ring sinabi na para lamang sa mga maykaya ang katarungan. Nakakalungkot man ito, totoo pa rin siyang mangyari sa lipunan. 

Pangatlo ay ang karahasan. Noong panahon ng 1920's, talamak ang mga baril sa lipunan. Pawang isang bahagi na rin ng bawat kabahayan. Dahil dito, naging accessible na din ang pag gamit ng baril na siya ring nagdudulot ng krimen. Karamihan ng mga nakulong na mga babaesa pelikula ay gumagamit ng baril sa kanilang pagkitil ng buhay ng knailang mga asawa. 

At ang panghuli naman ay ang media. Ang over-exposure ng mga ibang bagay at bigla na lang kalilimutan pag-laos na. Marahil ay ganun talaga ang ikot ng buhay pero dahil sa over-exposure, nadadala din ang mga manonood at sa paglaon, naloloko din ang mga inosenteng manonood. 

Marahil ay marami pang mga naipakita sa pelikula. Dahil sa cynic na perspektibo na ipinakita ng "Chicago" marahil marami pa ang mapuplot ng butas ng lipunan. Talagang naugustuhan ko ang pelikula. Maraming social relevance at maganda talaga ang pagkakagawa. Kahit na maraming mga sakit ng lipunan ang naipalabas nito, hindi pa rin ako lumabas ng sinehan na mabigat ang loob. Marahil dahil ito sa magagaling na pag-arte at kaaliw-aliw na se na hinandog ng "Chicago". Mula sa kadamitan, na akin naman paborito hanggang sa istorya ng pelikula hanggang sa mga gumanap ay talaga excellent lang talaga ang aking masasabi.

Pinakanagustuhan ko ang pag arte ni Catherine Zeta Jones bilang Velma Kelly. Magaling siyang gumanap at magaling din siyang sumayaw at kumanta. MAganda ang kalidad at ang kanyang boses, maari na rin siang pumasa bilang isang broadway singer. Talagang hanga ako sa kanyang kakayahan. Hindi lang siya isang napakagandang artista, isa rin napakagaling at talentadong artista rin. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit ito ang nanalong Best Supporting Actress sa nakaraang 75th Academy Awards. Lalu pa akong bumilib sa kanya noong nalaman ko na walong buwan na pala siyang buntis. Posibleng buntis siya habang ginagawa ng pelikula, ang galing kasi nagawa pa rin niya ang mga sayaw na jazz naisa sa mga pinaka-kumplikadong uri ng sayaw.


Ang mga nagsisiganapan naman din ay mahusay rin. Idagdag pa rito na sariling mga boses nila ang ginamit sa mga pagkanta. Malaking bagay na iyon! Sa kabuuan, maganda na naisapelikula ang "Chicago". Sayang ngalang sana ay nauna pa ito sa "Moulin rouge" para hindi itmasabihang trend ng mga musicals dahil maganda naman talaga. Iba ang perspektibo na ipinakita ng pelikula na hindi mapapakita sa dula, kagaya na lamang ng mga pangyayari bilang isang dance number. Hindi ako nagtatakang nanalo ang "Chicago" na Best Picture sa 75th Academy Awards dahil superb naman talaga ang pelikulang ito. Mayaman sa sining, malinis na sinematogropiya at mahusay na mga nagsiganap.



Marso 26, 2003

1 comment:

  1. Chicago is one of the movies in my list to watch for years. Wish I had been able to watch it already.

    ReplyDelete

❤ Thanks for your comments! Sorry, I don't publish ANONYMOUS comments!❤